Blacklist International, wagi sa MPL-PH Season 7

 




Pinatunayan ng Blacklist International na hindi kayang wasakin ng Execration ang kanilang "UBE" o ultimate bonding experience strategy, dahilan para itanghal sila bilang bagong champions ng MPL-PH Season 7, 4-3.

Umabot sa game 7 ang laro kung saan nagawang makahabol ng upper bracket finals winner sa 3-1 lead ng Execration. 

Nagsimula ito sa game 5 matapos i-open ng Execration ang support hero na si Mathilda para kay Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna ng Blacklist. Tangan ang momentum, muling nakuha ng Blacklist ang panalo sa game 6 at 7 para maging kampeon.

#SmartMPL #DoubleGigaGames #BeLegendary #MLBBEsports

– ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form