TV5, na-featured sa ABS-CBN SID na "Feel Good Pilipinas"!

May 30, 2021 nang inilabas na ang Official Summer Special ID ng ABS-CBN na "Feel Good Pilipinas" na pinalabas sa Kapamilya Channel (bago magsimula ang ASAP Natin 'To at pagkatapos ng TV Patrol Weekend), at iba pang ABS-CBN platforms.
Isa sa mga na-featured sa ABS-CBN SID ay ang panonood ng FPJ's Ang Probinsyano na may logo ng TV5.


Kabilang din sa mga na-feature ay ang A2Z Channel 11, iba't-ibang Digital platforms na nagpapalabas ng iba pang Kapamilya Shows at Movies at mga sponsors.
Matatandaan na kasama ang term na "Kapatid" at "A2Z" sa lyrics ng "Feel Good Pilipinas" na pinerformed nina Pinoy Boyband Group na BGYO at KZ Tandingan. Noong May 9, 2021 nang inilabas ang Official Dance Video ng ABS-CBN SID na "Feel Good Pilipinas" sa ASAP Natin 'To sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z at sa mga Social Media accounts at YouTube ng mga ABS-CBN Platforms. Matatandaang naipalabas sa kauna-unahang pagkakataon ang mga Kapamilya shows sa TV5 gaya ng ASAP Natin 'To at mga pelikula ni FPJ sa FPJ: Da King. Lumawak pa ang kanilang kasunduan dahil sa pagpapalabas ng ABS-CBN Primetime Shows noong Marso. Ilan sa mga programa na pinalabas sa Primetime ay ang FPJ's Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init Sa Magdamag at Count Your Lucky Stars.  
Ang dahilan ng pakikipag-blocktime ng ABS-CBN sa iba't-ibang platforms ay dahil sa pagsunod sa NTC sa pag-tigil ng ere ng Kapamilya Network noong May 5, 2020 dahil sa pagpaso ng prangkisa. 

- Ulat Ni Mark EPS, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form