Korina, magbabalik na ngayong June; ipapalabas sa TV5 at ABS-CBN Platforms

Kasado na ang pagbabalik ng veteran journalist na si Korina Sanchez-Roxas.


Nakatakda na kasing magbalik ngayong Hunyo ang magazine show na "Rated Korina", mahigit 1 buwan matapos nitong mamaalam sa ere.

Pero sa pagbabalik ng naturang magazine show ay ipapalabas ito hindi lang sa TV5, kundi sa platforms din ng ABS-CBN.


Maliban sa pag-ere sa TV5 at One PH, kasado na rin ang pag-ere ng Rated Korina sa A2Z Channel 11, ang istasyon ng ZOE Broadcasting Network kung saan may kasalukuyang blocktime agreement ang ABS-CBN at Kapamilya Channel, ang temporary channel ng ABS-CBN sa cable TV. Ipapalabas din sa ibang bansa ang Rated Korina sa TFC, ang international channel ng ABS-CBN.


Unang umere ang Rated Korina sa Kapatid Network noong October 24, 2020. Ito ay dahil sa pagkawala ng dating show ni Korina Sanchez na Rated K matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ang Rated Korina ay produced ng Brightlight Productions, ang production company ni dating Negros Occidental 3rd District Rep. Albee Benitez.


Nakatakdang umere uli ang Rated Korina sa June 19, Sabado sa A2Z (6PM), One PH (8PM) at Kapamilya Channel (11PM). Eere naman sa June 20, Linggo ang Rated Korina sa TV5 (10PM) at mapapanood din ito ng mga Kapatid natin sa ibang bansa through TFC.


- ulat ni Rob Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form