Maine at Maja, posible kayang mapanood sa ASAP Natin 'To?

Kanina ay naging matagumpay ang 1st guesting ng Born to be a Star grand champion na si Jehramae Trangia sa Sunday noontime show na "ASAP Natin 'To!" kasama ang ilang world-renowned singers kabilang na ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

Ironically, hindi magkapareho ang production outfits na humawak sa natapos na reality singing competition at sa longest running Sunday Noontime Variety Show

Ang Viva Entertainment ang humahawak sa Born to be a Star, samantalang ang ABS-CBN naman ang namamalakad sa ASAP Natin 'To! na umeere ngayon sa TV5 matapos mapaso ang prangkisa ng istasyon.

Para sa mga netizens, ito ang mas nagpatibay sa partnership sa pagitan ng mga Kapatid at Kapamilya. Incidentally, magkapartner din ang ABS-CBN at Viva sa paggawa ilang blockbuster films, at karamihan sa mga talent ng Viva ay mga talent din ng Kapamilya Network.

Kaya may mga Kapatid ding umaasa na makakapagguest sina Maja Salvador at Maine Mendoza sa ASAP upang magpromote ng POPinoy.

Ang POPinoy ay isang reality singing competition na naghahanap ng bagong boy at girl groups ngayon. Si Maine ang magsisilbing host ng programa kasama si Paolo Ballesteros, samantalang isa si Maja sa magiging judges.

Si Maine ay hawak ng Triple A Management, ang talent arm ng APT Entertainment, samantalang si Maja naman ang may-ari ng Crown Artist Management. Ironically, isa si Maja sa mainstay sa ASAP Natin 'To! hanggang noong 2020.

Posible nga bang magguest si Maja at Maine sa ASAP Natin' To!?

Abangan na lang ang susunod na kabanata.

— Ulat ni R. Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form