TV5, patuloy ang pag-alagwa sa ratings


Patuloy ang pag-angat ng Kapatid Network sa ratings game.

Base sa huling nilabas ng AGB Nielsen Philippines, lumalabas na ang TV5 na ang #2 most-watched TV Network sa bansa. 

Ayon sa AGB Nielsen Ratings noong May 11, 2020, lumalabas na 3 original shows ng TV5 ang nakapasok sa Top 20 most watched programs ng araw na yon. 

Nasa #14 spot ang Niña Niño, ang comedy-drama series na pinagbibidahan ng Primetime Majesty na si Maja Salvador at Noel Comia, Jr. kung saan nakakuha ito ng 4.2% people ratings. Pasok din sa Top 20 ang "Sing Galing" at ang primetime newscast ng Kapatid Network na "Frontline Pilipinas". 

Samantala, hindi naman nagpapaawat ang 4 na primetime shows ng ABS-CBN sa paghataw sa ratings game. Parehong pasok sa Top 10 ang longest-running teleserye ng bansa na "FPJ's Ang Probinsyano" at ang inspirational teleserye na "Huwag Kang Mangamba". Hindi rin nagpapahuli ang sexy drama na "Init sa Magdamag" at Chinese romantic-comedy series na "Count Your Lucky Stars".

Inaasahan pang tataas lalo ang ratings ng TV5 dahil sa pag-eexpand pa ng digital signal ng Kapatid Network, lalo na para sa mga Kapatid natin sa Visayas at Mindanao.

Ulat ni R. Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form