Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens nakatanggap ng mga di-magandang komento



Inihayag ni Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens na nakakakuha siya ng mga racist comments sa online.

Kahapon Martes, ibinahagi ni Nova ang isang larawan ng kanyang sarili na puno ng mga screen shot ng mga negatibong komento kung saan karamihan ay mga pinoy.

“Here we go again. I’ve been receiving this picture in my inbox a lot lately,” ayon sa kanya.

Ang ilan sa mga komento sa kanyang larawan, na may kasamang mga salin sa Ingles, ay “nognog," "katakot (nakakatakot)," "akala ko engkanto," "“over well done ang chicken, charge sa grill man, ”at“ tostadong tostado na nga nasunog pa ('she is toasted and burn'), ” kabilang sa mga hindi magagandang komento.

“With all that has been going on in the world, ‘black lives matter,’ ‘Asians are human,’ you would think this would bring us together. Instead, it looks like some people are still stuck in their ignorant and racist ideologies,” saad ni Miss Universe Canada 2020 Nova Stevens.


— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗝. 𝗜𝗱𝗼𝗹, 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗜𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form