Maja at Gerald magkapareha dapat sa "Init sa Magdamag"

 


Binanggit ni Maja Salvador sa panayam ng entertainment writer na si G3 San Diego na hindi niya tinanggap ang teleseryeng “Init sa Magdamag” bilang respeto sa boyfriend niyang si Rambo Nuñez.

"Bago pa nga lang iyong rrelationship namin [ni Rambo] tinodo ko na eh. As in kasi 'di ba, grabe ako sa pagpapahalaga ko sa work so walang makakapigil sa akin if mag-kissing scene ako, love scene, ganyan, kahit 'di comfortable 'yung ka-relationship ko." saad ni Maja Salvador.

Dagdag pa ni Maja, "And then, noong nagkabalikan kami ni Rambo, mayroon akong moment na gusto kong mag-work to. So yun 'yung nag-start na kinausap ko 'yung mga bossing I want this relationship to work. Sorry po."

Makakapareha dapat ni Maja sa nasabing proyekto ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Napunta kay Yam Concepcion ang lead role ngayon.


— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗡𝗲𝘄𝘀5

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form