It's Showtime, tuloy na nga ba sa Kapatid Network?

 

Usap usapan noong mga nakaraang buwan ang umano'y mapapanood na rin sa TV5 ang Noontime Show ng Kapamilya Network na It's Showtime.

Posible nga ba ito? Dahil ang ilang mga shows ng ABS-CBN ay umeere na sa Kapatid Network.

At ang show ni Vice Ganda na Everybody Sing na naudlot noon dahil sa pandemya matutuloy na, pero ang tanong mapapanood din kaya ito sa TV5?

Well, abangan nalang natin kung anong magiging chika sa mga susunod na araw o buwan.

Sa kasalukuyan ang ASAP Natin 'To, FPJ Da King at mga shows sa primetime ng Kapamilya Network ang kasalukuyang umeere ngayon sa TV5.

Napapanood naman ang It's Showtime sa Free TV sa pamamagitan ng A2Z Channel 11.


— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗜𝗱𝗼𝗹, 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗜𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form