Korina Sanchez, lubos na nagdalamhati sa pagpanaw ni Ricky Lo

 

Inalala ni Korina Sanchez si Ricky Lo bilang mabuting kaibigan at laging maasahan gayundin, inanala ni Sanchez ang kanyang hindi malilimutang tribute ni Lo noong siya tumuntong na ng 50.

"The one I could always rely on. Will never forget his tribute to me when I turned 50, dedicating three whole pages to testimonials to my person and career. ", ani ni Korina.

Noong nagdiwang ng kaarawan si Rikcy Lo nitong April 21, sa kasalukuyang taon ay pinadalhan ito ni Korina ng paboritong pagkain.

Ngunit, hindi tumugon si Ricky Lo dahil na din siguro kanyang karamdaman.

Kinumpirma ng pahayagang Philippine Star ang pagpanaw ni Ricky Lo sa edad na 75 nitong Martes, Mayo 4.

Cardiac arrest ang dahilan ng kanyang pagkasawi.


— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗜𝗱𝗼𝗹, 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗜𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form