ON THIS DAY: Isang taon simula ng tumigil sa pag-ere ang ABS-CBN


Nagbaba ng ceast-and-desist order ang National Telecommunications Commission o NTC laban sa ABS-CBN Corporation matapos ngang mapaso ang prangkisa ng Kapamilya Network noong May 4, 2020.

Base sa ceast-and-desist order, kaagad agad na pinahihinto ng NTC ang operasyon ng ABS-CBN Channel 2, DZMM, MOR 101.9 at mga regional stations ng ABS-CBN sa buong Pilipinas.

Sa ganap na 7:52PM, ay pormal na nagsign off muli sa pangalawang pagkakataon ang ABS-CBN. Una itong napilitang magsign off noong 1972 matapos ideklara ang Batas Militar.

Magdamag na naging usapin ang pagsign off ng ABS-CBN, na kung saan ito ang naging sentro ng coverage ng lahat ng istasyon, kasama ang TV5.

Isa ito sa mga hindi malilimutang sinapit sa kasaysayan ng broadkast sa bansa.

Kaugnay niyan trending ngayon ang #IbalikAngABSCBN sa twitter, Mayo 5 ng umaga.


— 𝖴𝗅𝖺𝗍 𝗇𝗂 π–±π—ˆπ–» π–’π–Ίπ—…π—Žπ–Ίπ—€, π–ͺ𝖺𝗉𝖺𝗍𝗂𝖽 π–¨π—‡π—Œπ—‚π–½π–Ύπ—‹

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form