Shopaholic no more…Alex, natutong magtipid sa asawa


Mula nang magkaroon ng asawa ay malaki na ang ipinagbago ni Alex Gonzaga pagdating sa pamimili ng mga sariling gamit. Noon ay nabibili ng aktres ang mga personal na gamit na kanyang nagugustuhan lalo pa’t sariling pera naman na ang kanyang ginagastos para rito. “Talagang totally shopaholic. Alam n’yo naman bunso ako tapos una, laging nabili ‘yung panganay tapos ‘yung mga pinaglumaan na niya sa ‘yo. Sa mall umiiyak talaga ako ‘pag hindi ako ibinibili. Kailangan ibili ako kahit isang pirasong clip or ballpen or headband. So no’ng kumikita ako talagang winawaldas ko talaga ‘yon sa mga bagay-bagay. Buti na lang kinukuwestiyon niya ako ‘pag bumibili ako ng mga kung anu-ano. So kahit paano nako-control,” pagbabahagi ni Alex.

Ayon sa aktres ay naging malaking impluwensya sa kanya ngayon ang asawang si Mikee Morada dahil sa pagiging ma­tipid nito. “Ako lahat ang bumibili para sa kanya. Kasi ang asawa ko ay very practical talaga. So lagi lang niyang pinabibili sa akin ay mask,” nakangiting kuwento niya.

“Ang natutunan ko kay Mikee ever since magdyowa pa lang kami. ‘Pag may gustong bilhin si Mikee, whether it be big or small purchase, hindi niya binibili kaagad. Pinag-iisipan niya ng 3,000 times. May point dati na nagpunta kami sa States, sumabay siya sa amin no’ng nag-States kami. Sabi niya, ‘Samahan mo naman ako, bibili ako ng laptop.’ Naka-apat kaming bilihan ng laptops. Tapos hindi pa rin siya nakabili, hindi ko alam kung bakit. Tapos the next day pa siya nakabili. Apat na Best Buy, ‘yung bilihan ng appliances. Tinitingnan lang niya kung talagang pare-pareho ng presyo. Tapos tuwing pumupunta kami sa appliance center na ‘yon, ako ang may nabibili isa-isa. Nakikipag-usap siya sa mga staff. Kailangan niya maisip ng ilang beses. So ‘yan ang natutunan ko sa kanya,” paglalahad ng aktres.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form