Yassi Pressman, kumpirmadong host ng Rolling in it Philippines


Kasabay ng kanyang 26th birthday ay inanunsyo ng Viva Entertainment na si Yassi Pressman ang magiging host ng inaabangang game show na "Rolling In It Philippines".

Ang Rolling In It ay isang game show na umere noong August 8, 2020 sa bansang United Kingdom na ini-host ni Stephen Mulhern at ipinrodyus ng Over The Top Productions, kasalukuya itong umeere tuwing Sabado sa ITV, isang TV Network sa UK.

Huling napanood ng mga Pilipino si Yassi sa telebisyon sa teleserye ng ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano bilang si Alyana Arevalo-Dalisay na nagtagal ng 5 taon.

Huli namang nasilayan si Yassi sa TV5 bilang co-host sa talent reality search ng Viva Entertainment na "Born to be a Star" kasama ang noo'y Kapatid na si Ogie Alcasid taong 2016.

Ang Rolling In It Philippines ay ipoprodyus ng Viva Entertainment na nakatakdang ipalabas sa TV5 simula June 5, 2021. Ipapalabas din ito sa cable channel na "Sari-Sari Channel."

— Ulat ni R. Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form