Talent Arm ni Maja Salvador, may mga bagong recruite

Pinakilala na ng Crown Artist Management, Inc. ang mga bago nitong talents na magpapalakas pa sa talent agency na nagsimula nitong taon.

Kabilang sa mga bagong recruit ng talent agency ay ang award-winning director na si Gino Santos at ang fashion model at blogger na si Lauren Reid, kapatid ng aktor at singer na si James Reid. Para sa iba pang bagong talents ng Crown Artist Management, bisitahin ang kanilang official Facebook page.

Ang Crown Artist Management ay unang ini-launch nitong March 2021 ng Kapatid award-winning actress na si Maja Salvador, ito ay matapos syang umalis sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN matapos ang 18 taon.

— Ulat ni R. Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form