Matapos ang mahigit 50 years Kuya Jobert at ang kanyang Nanay nagkita na

Kuya Jobert, may nakakaantig na YouTube video ng kanilang muling pagkikita ng kanyang ina.

Kwento ni Jobert Austria o mas kilala bilang Kuya Jobert, ilang taon na ng hindi sila nagkikita ng kanyang ina. 

“Nakakatuwa na inaayos lahat ng Diyos 'yung mga nawala, mga kulang sa puso ko,” ani ni Kuya Jobert.

Si Armanda Villanueva ang biological mother ni Kuya Jobert na kung saan mahigit 50 years ang hindi sila nagkita.

Kwento ni Nanay Armanda, “Tagal ko siyang hindi nakita... 50 years tagal na... sa tagal naming hindi nagkita nag-iiyak kami eh”

Sa kanilang muling pagkikita wala ng magawa si Kuya Jobert kundi bumuhos ang luha.

Noong kakapanganak palang kay Kuya Jobert ay pinaampon na ito ng kanyang nanay. Dahilan upang magkakaroon ng hinanakit si Kuya Jobert dito.

Ngunit, naibsan naman na ito at napatawad na niya ang kanyang nanay dahil sa, kung hindi dahil sa kanyang nanay ay wala siya dito sa sangkatuuhan, kwento ni Kuya Jobert.

Inalala naman ni Kuya Jobert ang kanyang pagtalon sana ng building noong 2014 kaya tinananong niya kung anong naging reaksyon ng kanyang nanay dito, “Ano ang reaksyon mo nung nakita mo akong tatalon sa building?”, Sagot ni Nanay Armanda, “Kasalanan mo 'yun kapag nagpakamatay hindi ka kukunin ng Diyos.”

Mensahe naman ni Kuya Jobert sa kanyang Nanay Armanda, “Sana humaba pa ang buhay mo, sana makilala mo ang Diyos, sana maging malakas ka palagi at sana malaman mo na pinatawad na kita...”

Mapapanood ang kabuuang video sa YouTube Channel ni Kuya Jobert na "KuyaJobertTV"


— 𝖴𝗅𝖺𝗍 𝗇𝗂 𝖩𝖾𝗋𝗐𝗂𝗇 π–°π—Žπ—‚π—π–Ίπ—‡π–Ύπ—€, π–ͺ𝖺𝗉𝖺𝗍𝗂𝖽 π–¨π—‡π—Œπ—‚π–½π–Ύπ—‹

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form