3-2 bentahe nalambat ng Brooklyn Nets


Nagpasbog si Kevin Durant ng 49 points, 17 rebounds at 10 assists upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa 114-108 panalo laban sa Milwaukee Bucks sa Game 5 ng Eastern Conference semifinals sa New York.

Angat ang Nets, na nalusutan ang 17-point, third-quarter deficit, sa best-of-seven series, 3-2, salamat sa isa sa pinakaimpresibong postseason performances ni Durant. Aabante ang Nets sa kanilang unang Eastern Conference finals magmula noong 2003 sa panalo sa Huwebes ng gabi sa Milwaukee. Ang Game 7, kung kinakailangan, ay lalaruin sa Brooklyn sa Sabado.

Nagtala si Durant ng franchise record para sa points sa isang playoff game, kung saan binura niya ang 43 na kinamada ni Vince Carter noong 2006. Naiposte rin niya ang kanyang ikalawang career postseason triple-double at sinamahan sina Hall of Famers Oscar Robertson, Charles Barkley at Dallas Mavericks guard Luka Doncic bilang fourth player na may hindi bababa sa 40 points, 15 rebounds at 10 assists sa isang postseason game.

Bumuslo si Durant ng 16 of 23 mula sa field, nagsalpak ng apat sa siyam na 3-point attempts at naipasok ang 13 sa 16 free throws. Kinapos siya ng isa sa postseason career high na naitala ng Golden State Warriors sa Game 1 ng 2019 Western Conference finals kontra Los Angeles Clippers.

Naitala ni Durant ang 31 sa kanyang mga puntos sa huling 18:38 nang ma-outscore ng Nets ang Milwaukee, 54-32. Umiskor siya ng 11 sa third quarter upang ilapit ang Brooklyn sa 87-81 papasok sa fourth at pagkatapos ay binigyan ang Nets ng 97-96 kalamangan sa isang 3-pointer, may 7:54 ang nalalabi.

Naitabla ng Bucks ang laro sa 104-104 sa short jumper ni Jrue Holiday, may 2:24 ang nalalabi, ngunit kinuha ng Nets ang kalamangan sa dalawang free throws ni James Harden, may 87 segundo sa orasan.

Sinelyuhan ni Durant ang kanyang impresibong laro sa pamamagitan ng isang 3-pointer at tatlong free throws sa huling 50.5 segundo.

Nagdagdag si Brooklyn’s Jeff Green ng playoff-career-high 27 points sa pagkamada ng 8 of 11 at pagsalpak ng 7 of 8 3-point tries. Nagdagdag si Blake Griffin ng 17 points para sa Nets, na bumuslo ng 49.4 percent mula sa floor.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo para sa Milwaukee na may 34 points at 12 rebounds. Nag-ambag sina Khris Middleton ng 25 at Holiday ng 19 para sa Bucks, na bumuslo rin ng 49.4 percent sa field-goal attempts.

Umiskor sina Antetokounmpo, Holiday at Middleton ng pinagsamang 22 points habang pinuwersa ng Bucks ang Nets sa pagsablay sa 16 sa 20 shots, at iginiya ang Milwaukee sa 29-15 lead matapos ang opening quarter. Tangan ng visitors ang 59-43 bentahe sa halftime. (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form