Handa ka naba sa bagong 'mukha ng karma'? “La Vida Lena,” eere na sa Hunyo 28


Handa ka na ba para sa babaeng gigising sa'yo tuwing 10PM?

Simula sa June 28 ay mapapanood nasa free TV at cable ang "La Vida Lena", ang drama series ng ABS-CBN Entertainment at Dreamscape Entertainment na unang napanood ng madla sa online streaming platform ng ABS-CBN na IWant TFC noong November 2020.

Umiikot ang storya kay Magda (na ginagampanan ni Erich Gonzales), isang dalaga na kinukutya ng iba dahil sa peklat nito sa mukha. Sa kabila ng lahat, nagsisikap ito upang matupad ang pangarap nito sa tulong ng mga kaibigan at ang mahal nito sa buhay.

Makakadiskubre si Magda ng isang formula sa paggawa ng sabon upang kuminis ang balat ng mga tao. Pero ang sana'y magaahon sa kanila sa kahirapan ang magdadala ng pasakit sa buhay ni Magda, dahil sa mga Narciso, ang pinakamayamang pamilya sa bayan ng Salvacion.

Matapos tanggihan ni Magda ang alok ng Royal Wellness, ang kompanya ng mga Narciso na bilhin ang formula ng sabon ay dito magsisimula ang dagok sa buhay ni Magda, papaikutin upang mapaibig, mawawalan ng mahal sa buhay at makukulong.

Dito makikilala ni Magda si Ramona, na tutulong sa kanya upang makapaghiganti sa mga Narciso. Ang dating inaaping si Magda, ay magiging si Lena, ang babaeng magiging bagong mukha ng karma.

Ang La Vida Lena ay mapapanood simula June 28, Lunes, 10PM sa Todomax Primetime Singko ng TV5, gayundin sa ibang platforms ng ABS-CBN Entertainment sa free TV, cable, online at video streaming platform na IWant TFC. Gayundin sa mga Kapatid natin sa ibang bansa through TFC. (Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form