Aktor na si Tony Labrusca, inireklamo ng pambabastos

Nahaharap sa kasong reklamong two counts of acts of lasciviousness at aggravated physical injuries ang sikat na aktor na si Tony Labrusca sa piskalya ng Makati City nitong Biyernes.

Ang nasabing reklamo ay kaugnay sa naganap na insidente noong ika-16 ng Enero kung saan isang babae ang sinabing minolestiya ng aktor at may sinakal na isang lalaki.

Sinabi ng babae na dalawang ulit siyang minolestiya ni Tony nang ibaba umano ng aktor ang kaniyang spaghetti straps hanggang sa kaniyang dibdib at pilit siyang pinaupo sa kandungan nito.

Ayon kay Atty. Regie Tongol, abogado ng mga nagrereklamo, apat na saksi ang nakakita kay Tony na, “to have actively sought alcohol to embolden himself.”

Sinabi naman ng kampo ng aktor na huwag ito agad husgahan.

Ayon kay Atty. Joji Alonso, abogado ni Labrusca, nakarating na umano sa kanila ang impormasyon tungkol sa reklamo bagamat wala silang natatanggap na kopya ng complaint-affidavits kaya hindi muna sila makapagbibigay ng komento.

“We call the public to be mindful of casting judgment based on mere allegations and unfounded claims,” pahayag sa instagram ng kampo ni Labrusca. (ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form