Kampo ni Coco Martin: Walang balak na tumakbo si Coco sa Eleksyon 2022

Tila isang artikulo na ang tumapos sa usapin kung papasukin nga ba ng FPJ's Ang Probinsyano lead star na si Coco Martin ang mundo ng pulitika.

Ayon sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP ay nilinaw ng kampo ni Coco na walang plano ang aktor na pasukin ang magulong mundo ng pulitika.

Matatandaang naging maugong ang isyung ito ng may lumabas na artikulo na diumano'y desidido na si Coco sa pagtakbo bilang Senador sa 2022 National and Local Elections.

Lalo pang umingay ang isyung ito ng i-reveal ng co-star nito na si Angel Aquino na nakaready na ang cast ng teleserye para sa isang ultimate lock-in taping.

Maliban kay Coco, matunog din ang pangalan ng ilang personalidad katulad ng TV5 veteran anchor at journalist na si "Idol" Raffy Tulfo at ang TV host na si Willie Revillame. Parehong pasok sa Magic 12 ng Pulse Asia ang mga pangalan nina Tulfo at Revillame.

Inaasahang sa October 1 hanggang October 8 ang filing ng Certificate of Candidacy o COC ng mga gustong tumakbo sa mga elective positions sa susunod na taon.

Dito ay malalaman natin kung sino-sinong mga artista at iba pang personalidad ang lalahok sa halalan. (ulat ni Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form