News5 correspondent, Greg Gregorio inalala ang naging trabaho niya sa IBC 13


Noong Hunyo taong 2011 nagsimulang magtrabaho si News5 correspondent, Greg Gregorio sa Intercontinental Broadcasting Corporation o IBC 13, bilang isang production assistant.

Hindi naman umano sapat ang salita upang pasalamatan niya ang network.

“Words aren't enough to say how grateful I am to those who supported and believed in me all the way. ” ani ni Greg Gregorio.

Pinasalamatan naman ni Greg ang mga nag 'encourage' sa kanya upang maging news anchor.

“Lalo na sa mga nag-encourage sa akin to sit on the anchor's table. You know who you are.,” ani nito.

Matapos maging isang production assistant naging news anchor naman siya ng IBC 13 noon mula 2015 haggang 2019.

Naging news anchor siya sa “News Team 13” ng IBC na umere mula August 8, 2011 at natapos naman noong February 11, 2019.

Kabilang din sa mga naging news anchor ng nasabing flagship news program ay sina Zyrene Parsad-Valencia, Cathy Eigenmann, Czarinah Lusuegro, Ralf Rivas, Lil Mateo, Phoebe Javier, Jess Caduco at Vincent Santos.

Ang mga naging fill-in-anchors naman ay sina Jeffrey Zaide at Kathleen Forbes.

Samantala, taong 2019 nang napadpad ni Greg Gregorio sa News5 at haggang sa kasalukuyan. (ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form