Alagang Kapatid Foundation, nagsagawa ng Community Pantry sa Maynila

“Iba ang bayanihan natin, Kapatid!”

Naghatid ng tulong ang Alagang Kapatid Foundation para sa higit 600 pamilya nasunugan sa Brgy 650 Zone 68 District 5, Port Area sa Maynila.

Nagdala sila ng mga kamote, sayote at kalabasa ito ay handog ng mga donor mula sa US sa pangunguna ni Maya Shasta.

Nagpaabot din naman ng tulong ang PLDT-Smart Foundation ng banig at kumot gayundin, ang Maynilad Water Services na nagpaabot naman ng tubig.

Samantala, sa pamamagitan ng kanilang dalang ready-to-drink NESCAFÉ, Caramel Macchiato, Lola Remedios, Neozep, Domex Philippines, face mask at face shields mula sa Letter-day Saint Charities, mga damit, water jugs at inumin nakadagdag saya ito sa mga residenteng nasunugan sa nasabing lugar. Kabilang din naman sa kanilang naipamahagi ang mga laruan mula sa Ronald McDonald House Charities para sa mga bata.

Mayroon din namang tabo donasyon mula sa stand up-comedian na si Jo Koy.

Nagpasalamat naman ang Alagang Kapatid Foundation sa CMOU-NCR, CMOG Philippine Navy, Rescue 5 at mga barangay official gayundin ang mga volunteer sa pagtulong sa kanila ng kaayusan sa nasabing community pantry. (ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider)


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form