Hinihiling na 'TF' ng manager ni Bea Alonzo sa GMA, hindi keribels


Sa programang Cristy Ferminute ni Cristy Fermin sa Radyo5 at One PH isiniwalat nito na malaking 'talent fee' umano ang hinihingi ng manager ng aktres na si Bea Alonzo sa management ng GMA Network.

Ngunit, hindi daw kinaya ng GMA ang hinihiling na malaking 'talent fee' nito.

Samantala, magkakaroon naman ng pelikula si Bea Alonzo sa GMA Pictures at makakasama ng aktres sa pelikula si Alden Richard, ang pelikula ay nasa ilalalim ng GMA Pictures, Viva Films at APT Entertainment.

Kaugnay niyan, alam niyo ba na noon ay nag-offer ang TV5 ng halos 75 million talent fee kay Bea Alonzo.

Ayon sa artikulo ng Remate, taong 2011, inalok daw si Bea ng TV5 ng kontratang aabot sa P75 million. Noon kasi, bale P40 million lang ang nakukuha ni Bea sa ABS-CBN kaya kumagat siya sa alok na halos doble ang halaga.



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form