TV5, Cignal at iba pang platforms, magiging official Broadcaster ng Tokyo 2020 Olympics


Inanunsyo ng TV5, Cignal at iba pang TV, Streaming at Communication Platforms na sila ang Official Broadcaster ng Tokyo 2020 Summer Olympics gaganapin sa Tokyo, Japan sa darating na July 23 hanggang August 8.

Haharap sa Olympics ang mga atletang Pilipino sa iba't-ibang larangan ng sports, tulad nina Hidilyn Diaz ng Weightlifting, Carlos Yulo ng Gymnastics, Carlo Paalam at Eumir Marcial ng Boxing at iba pang mga atletang Pilipino, upang makamit nila ang gintong medalya.

Mapapanood ang Tokyo 2020 Olympics sa TV5, One Sports at One Sports+. Ang TV5 at Cignal TV ay Offical Broadcaster sa Free TV at Pay TV. Mapapanood din sa Cignal Play bilang Official Streaming Service ng Tokyo Olympics. Kasama din ang PLDT at Smart bilang Official Telecommunication partners.

Matagal na naging Official Broadcaster ang TV5 at Cignal ng pag-ere ng mga Olympic Games. Ilan sa mga pinalabas ay Summer Olympics, Youth Olympic Games, Winter Olympics, Asian Games at Southeast Asian Games.

Gaganapin sana ang Tokyo 2020 Olympics noong July 2020, ngunit na-postponed at inurong ngayong taon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. (ulat ni Mark Evierett, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form