David Archuleta, inaming parte siya ng LGBTQIA+ community

Inamin ng American singer-songwriter na si David Archuleta na parte sya ng LGBTQIA+ Community.

Sa kanyang Twitter account ay idinetalye ng 30 year old singer ang kanyang pag-amin sa kanyang pamilya.

Ayon kay Archuleta, 2014 ng umamin s'ya sa kanyang pamilya na sya ay "gay" pero kinonsider n'ya pa rin na isa syang bisexual dahil attracted pa rin daw sya sa parehong gender.

Sa isang part ng kanyang post ay sinabi nito na pwede ka pa rin umano maging parte ng LGBTQIA+ Community at maniwala sa mga aral ng Panginoon.

"You can be part of the LGBTQIA+ community and still believe in God and His gospel plan.", saad ni Archuleta.

Si Archuleta, na miyembro ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (kilala rin bilang Mormons), ay nagsabi na habang ang spectrum na ito ay nagdudulot ng maraming mga katanungan para sa ibang mga tao, ang mahalaga ay para sa mga taong may pananampalataya na maging higit na mahabagin sa LGBTQ+ community.

“I just invite you to please consider making room to be more understanding and compassionate to those who are LGBTQ+, and those who are a part of that community and trying to find that balance with their faith, which is also a huge part of their identity like myself,” saad nito.

Si Archuleta ay unang nakilala noong 2008 ng manalo itong 2nd place sa 7th season ng American Idol.

Nakagawa rin si Archuleta ng series sa Pilipinas, ito ay ang" Nandito Ako" katambal ang noo'y Kapatid na si Jasmine Curtis-Smith at Eula Caballero. Ito ang ikalawang "Mini Serye" ng TV5 noong 2012 na nagtagal ng 1 buwan sa ere. (ulat ni Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form