FPJAP, haggang Disyembre pa ang shooting; Coco, 'di tuloy sa 2022


Talagang hindi pa matatapos ang ABS-CBN teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.

Ayon sa artikulo ni Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon, naka-schedule na daw ang lock-in taping ng cast hanggang December.

Hindi daw katulad ng naunang plano, wala daw sapat na dahilan ngayon upang wakasan na ang kwento ni Cardo Dalisay na napapanood ng mga Pilipino ng halos 6 na taon.

Maliban daw sa malakas na presensya nito sa social media, ang pagtaas ng ratings ngayon ng programa ay isa sa pinupuntong dahilan sa page-extend ng management ng ABS-CBN sa programa.

Ito rin daw ang dahilan kaya hindi na itutuloy ni Coc Martin ang pagtakbo sa 2022 elections. Matatandaang nagkaroon ng mga chismis noon na diumano'y tatakbong Senador si Coco sa 2022 elections.

Napapanood ang FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z Channel 11 at TV5.

Napapanood din ito sa ibang bansa through TFC, at available ang past at advance episodes nito sa IWant TFC at WeTV IFlix. (Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form