“FPJ's Ang Probinsyano,” makakatikim ng isa pang extension?


Totoo nga bang makakakuha muli ng isa pang extension ang Kapamilya teleserye na FPJ's Ang Probinsyano?

Ayon sa artikulo ng showbiz columnist na si Gorgy Rula, may posibilidad diumano na iextend pa ng ABS-CBN ang teleseryeng umeere na ng halos 6 na taon. Isa raw sa dahilan ay marami pang kwento ang ita-tackle sa teleserye.

Matatandaang ugong ugong noon na tatapusin na diumano ang FPJ's Ang Probinsyano dahil tatakbo raw sa pagka-Senador ang lead star nito na si Coco Martin.

Lalo pang lumakas ang chismis ng sabihin ni Angel Aquino sa isang interview na mayroon na raw "ultimate last lock-in taping" ang teleserye. Pero sa isang artikulo ng PEP nagtapos ang mga nasabing chismis ito ay matapos mariing itinanggi ng kampo ni Coco na tatakbo sa Halalan 2022 ang aktor.

Sa kasalukuyan, patuloy ang malakas na performance ng FPJAP, mapa free TV o online.

Umeere ang FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi, 8PM sa Todomax Primetime Singko ng TV5, gayundin sa ibang platforms ng ABS-CBN Entertainment sa free TV, cable at online. (ulat ni Rob Caluag, Kapatid Insider)


Tila isang artikulo na ang tumapos sa usapin kung papasukin nga ba ng FPJ's Ang Probinsyano lead star na si Coco Martin ang mundo ng pulitika.

Ayon sa artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP ay nilinaw ng kampo ni Coco na walang plano ang aktor na pasukin ang magulong mundo ng pulitika.

Matatandaang naging maugong ang isyung ito ng may lumabas na artikulo na diumano'y desidido na si Coco sa pagtakbo bilang Senador sa 2022 National and Local Elections.

Lalo pang umingay ang isyung ito ng i-reveal ng co-star nito na si Angel Aquino na nakaready na ang cast ng teleserye para sa isang ultimate lock-in taping.

Maliban kay Coco, matunog din ang pangalan ng ilang personalidad katulad ng TV5 veteran anchor at journalist na si "Idol" Raffy Tulfo at ang TV host na si Willie Revillame. Parehong pasok sa Magic 12 ng Pulse Asia ang mga pangalan nina Tulfo at Revillame.

Inaasahang sa October 1 hanggang October 8 ang filing ng Certificate of Candidacy o COC ng mga gustong tumakbo sa mga elective positions sa susunod na taon.

Dito ay malalaman natin kung sino-sinong mga artista at iba pang personalidad ang lalahok sa halalan. (ulat ni Rob Caluag, Kapatid Insider)

RELATED VIDEO:




Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form