Catriona, nagsalita na ukol sa paglaho ng “SNL” sa ere


Nagsalita na si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pagkawala sa ere ng Sunday Noontime Live.

Ayon kay Catriona, bagaman nasaktan sya sa biglang pagkasibak sa ere ng SNL ay hindi pa rin daw nya nalilimutan ang masasayang alala habang umeere pa ang sunday noontime show.

“When ‘SNL’ was canceled, I was a little bit disheartened,” saad ni Catriona.

Dagdag pa nya, "It was just a wonderful experience working with the whole crew. I have nothing but good to say about that experience… But from my personal life experience, I know that when something doesn’t work out, usually, there’s something better waiting for you or a redirection from the universe for something better. So I just really kept that in my heart when that happened.”

Willing pa rin naman daw si Catriona na lumabas sa ibang istasyon o programa, maski ang ABS-CBN sunday noontime show na ASAP Natin 'To!

"I’m sure I will fight my way to a stage again, whether it be ABS or another variety show or another project. I really love the opportunity to collaborate and I’m all up for it.”, sabi ni Catriona.

Unang umere ang SNL noong October 18, 2020 kung saan nakasama ni Catriona sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Jake Ejercito at Donny Pangilinan sa ilalim ng direksyon ng star-maker na si Johnny Manahan na mas kilala bilang si Mr. M.

Noong January 17, 2021 ay biglang namaalam sa ere ang SNL, at ng sumunod na linggo ay nabigla ang lahat ng ang pumalit dito ay ang katapat nito, ang ASAP Natin 'To! ng ABS-CBN.

Sa isa ring interview ay inamin din ni Mr. M na ang "mababang ratings" daw ang isa sa dahilan kaya nawala sa ere, hindi raw kasi ito nagre-rate noon na kasingtaas ng nakukuha ng All-Out Sundays at ASAP.

Sa ngayon ay tinutuloy ni Catriona ang kanyang music career, nitong nakalipas na mga araw ay inilabas sa social media ang sarili nyang rendition ng "Raise Your Flag" na unang kinanta nina KZ Tandingan at rapper na si Kritiko. Ito ay collaboration ng CS Music at Star Music ng ABS-CBN. Kasama ito sa Spotify New Music Friday Philippines playlist. (ulat ni Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form