John Lloyd hindi nabigyan ng timeslot sa TV5!

Timeslot pala ang naging problema kaya hindi natuloy ang comedy show last year ni John Lloyd Cruz sa Brightlight Productions for TV5.

Ayon sa isang insider ng TV5, hindi naayos ang timeslot para sa Brightlight ni former Congressman Albee Benitez.

Inamin nga ni John Lloyd sa interview sa kanya ni MTRCB Chair Rachel Arenas na meron talaga silang planong gumawa ng sitcom pero hindi nag-materialize.

Si Direk Bobot Mortiz din sana ang magdidirek nito sa Brightlight Productions.

Pero ‘yun nga, sadly, hindi ito nakakuha ng timeslot ayon sa isang reliable source.

Nag-indefinite leave si John Lloyd noong 2017 sa showbiz nang ma-in love nga siya kay Ellen Adarna na pakakasalan ngayon ni Derek Ramsay.

Samantala, nito lamang nakaraang Linggo, Hunyo 6 ay napanood si John Lloyd Cruz sa GMA ito ay sa pamamagitan ng isang TV special kung saan ang host ay si Willie “Kuya Wil” Revillame. (ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form