Kyle, may 'digital concert' bilang selebrasyon sa kanyang kaarawan

 


Nakatakdang i-celebrate ng singer at aktor na si Kyle Echarri ang kanyang 18th birthday sa pamamagitan ng isang digital concert.

Sa June 20, 7PM gaganapin ang "Kyle Digital Birthday Fan Con" sa kanyang channel sa Kumu.

“As my way of saying thank you for being a big part of my journey, six years in the industry, I am holding this virtual concert for everyone,” wika ni Kyle sa isang interview.

Inaasahan ring magpapakinggan sa digital concert nya ang mga kanta mula sa kanyang second full-length album na "New Views", na napapakinggan na sa Spotify, Apple Music, Deezer at sa iba pang digital music platforms.

Proud si Kyle na sya ang nag-compose ng 7 kanta mula sa kanyang album na under ng Star Pop, ang isa sa music label ng ABS-CBN.

Si Kyle ay produkto ng reality-based singing competition na The Voice Kids. Kasalukuyang napapanood si Kyle sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba na umeere sa TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form