Regine Velasquez, Jollibee parin ang sakalam

Nagpahayag ng suporta sa Jollibee si Regine Velasquez kasama ang anak na si Nate na kabilang sa mga endorsers ng controversial ngayong fast food chain.

Nag-post si Regine ng mga larawang kumakain sila ni Nate ng spaghetti at may picture pang kini-kiss siya ng mascot ng Jollibee.

Sabi ni Regine, “Ang pagsubok, lagi na talagang kakabit ng buhay natin. Pero ‘wag kang mag-alala, kakampi mo pa rin kami.”

Kaya lang, disabled ang comment box ng Instagram post ni Regine kaya hindi makapag-comment ng kanilang suporta ang maraming Jollibee supporters. (ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider)


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form