Alex Gonzaga, cover ng isang fashion magazine sa Vietnam


Hindi makapaniwala ang vlogger at actress na si Alex Gonzaga makaraang maging cover siya ng fashion magazine na “Harper’s Bazaar” sa Vietnam para sa kanilang 10th anniversary issue.

Sa nasabing magazine, inilarawan si Alex bilang isang “multi-hyphenated artist” ng Pilipinas dahil sa dami nitong talentong ipinapakita tulad ng hosting, singing, at entrepreneurial skills.

Pinasalamatan ng 33-year-old actress ang Harper’s Bazaar Vietnam sa pagkuha sa kanya para maging cover girl.

Ilang local celebrities naman ang bumati kay Alex kabilang dito ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, brother-in-law na si Paul Soriano, Heart Evangelista, Liz Uy, at Melai Francisco.

Mapapanood si Alex Gonzaga sa Lunch Out Loud, Lunes haggang Biyernes 12 noon sa TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form