Boy Abunda, hinihikayat na tumakbo sa halalan 2022


May posibilidad nga bang lumahok sa eleksyon ang kinikilalang "King of Talk" na si Boy Abunda.

Sa isang panayam ng ABS-CBN News ay sinabi ni Tito Boy na naimbitahan s'yang tumakbong Senador sa 2022 elections, pero tinanggihan nya ito.

Pero paglilinaw ni Tito Boy, hindi niya isinasara ang posibilidad na tumakbo sa local positions sa 2022.

Pag-amin ni Abunda, mid-2020 ay kino-consider niya ang pagtakbo sa local elections sa 2022, lalo na ng ibasura ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN noong Hulyo 2020

Inaya rin umano siya ng kanyang ate na tumakbo ito bilang Kongresista. Ang kapatid na tinutukoy ni Boy ay si Rep. Maria Fe Abunda, kongresista ng lone district ng Eastern Samar.

Pero sa ngayon, hindi pa daw sigurado si Abunda kung tuluyan na ba itong tatakbo sa Halalan 2022. (Rob Caluag, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form