Alex Gonzaga, nakatanggap na ng Diamond Play Button sa YouTube; Diamond Play Button sinubukang isangla


Para sa pagkakaroon ng higit sa 10 milyong subscribers sa YouTube, natanggap ni Alex Gonzaga ang Diamond Play Button, na sinubukan niyang isangla.

Sa kanyang pinakabagong vlog na puno ng kasiyahan, si Catherine "Alex" Gonzaga-Morada, na mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay binuksan nito ang kanyang Diamond Play Button, ang pinakamataas na gantimpala ng tatlong mga parangal sa YouTube.

“Tara na! Sasangla na ‘tin ‘to, titingnan natin kung magkano ‘to,” ani Alex Gonzaga, habang binubuksan ang kanyang Diamond Play Button.

Sa jewelry store na madalas puntahan ni Alex, idineklara ito ng kawani bilang isang "fake diamond." Matapos subukan ng TV host na isangla ito, ang pawshop hindi naman nakakuha ng appraisal para sa nasabing Diamond Play Button.

Sa huli, inaasar ni Alex na ang pawnshop ay hindi na-appraise ang item dahil hindi ito mabibili ng presyo.

”Priceless yan, netizens, dahil ‘yan nakuha na‘tin ‘yan together, kaya hindi nila (the pawnshop) kukunin,” aniya.

Sa parehong vlog, nagpasalamat at inialay ni Alex ang parangal sa mga netizen sa pagsuporta sa nakaraang apat na taon ng kanyang karanasan sa vlogging.

“Ako ay nagpapasalamat sa inyong lahat, magmula sa start hanggang ngayon, ay nanonood pa rin at naka-suporta pa rin sa atin,” saad ng aktres at TV host. “Thank you so much, netizens para sa ‘ting lahat to, kasi kung wala kayo, wala ‘to.” (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form