Boobs ni Sharon, pambenta ng movie; saka lang raw nagdispley kung kailan matanda na

Mixed ang reaction ng publiko nang mapanood ang teaser/trailer ng pelikulang Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta. 

May ilang Sharonians ang natuwa dahil kakaiba at challenging daw ang role ni Shawie sa kanyang latest movie. Hindi raw ito tulad ng dati niyang ginagawa na pa-goody-goody at panay drama. Bagong atake raw ang ginawang ito ni Sharon Cuneta na tiyak na ikabibigla ng mga moviegoers.

Pero, may mga netizens naman ang na-turn-off at dismayado kung bakit tinanggap ng Megastar ang nasabing project. Sa status daw na narating na ni Shawie sa showbiz, alangan na ang kanyang role na ginampanan sa Revirginized. Asawa pa naman daw siya ng senador. 

Kung tutuusin, wala nang dapat pang patunayan si Sharon Cuneta bilang aktres. Apat na dekada na siyang artista at respetado siya ng lahat. Hindi nawawala ang karisma niya sa publiko.

Hindi na kailangan na maglabas siya ng cleavage para kumita lang ang kanyang pelikula. Ano pa ba ang gustong patunayan ni Megastar Sharon Cuneta? Nasa mataas na pedestal na siya na hinahangaan ng lahat. 'Wag na niyang ibaba ang kanyang sarili. (Erlinda Rapadas)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form