Raffy Tulfo, sinabing nasa fans daw ang desisyon kung tatakbo siya sa 2022


Inamin ni Raffy Tulfo na maari lamang siyang magdesisyong siyang tumakbo sa darating na eleksyon 2022 kung hihimikon siya ng kanyang mga taga-suporta.

“Kapag ka 'yung mga subscribers ko pinu-push ako, sige na, Raffy, tumakbo ka na”, wika ni Tulfo sa panayam sa kanya ni Karen Davila.

Binulgar din ni Tulfo na may mga kumakausap na aniya sa kanyang mga partido upang hikayatin na tumakbo at sumali sa kanila.

“Maraming kumakausap sa akin na iba't-ibang mga partido... to join them na maging senador nila or kasama nila,” aniya.
 
Si Raffy Tulfo ay angat sa mga senatorial surveys na inilalabas ng pulse asia.

Kung matatandaan, itinanggi ni Idol Raffy ang usap-usapan na may balak siyang tumakbo sa pagka-senador sa taong 2022. – (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form