Wilma Doesnt, may ‘best birthday gift’ na natanggap engaged na sa non-showbiz dyowa


“BEST birthday gift ever!” Ganyan inilarawan ng actress-model na si Wilma Doesnt ang pagpo-propose sa kanya ng non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin.

Yes, after 14 years bilang magkarelasyon ay engaged na nga sina Wilma at Gerick na very proud na ibinandera ng komedyana sa kanyang social media account.

Ipinost ni Wilma ang video sa Instagram kung saan makikita siyang nagho-host para sa isang outdoor event.

 

May pa-countdown pang naganap na pinangunahan din ni Wilma.

Pagkatapos ng countdown, biglang lumapit ang kanyang boyfriend na may hawak na engagement ring, at lumuhod ito sa harapan ni Wilma.

Kitang gulat na gulat at tawang-tawa si Wilma sa pangyayari, at pagkalipas ng ilang sandali ay sumagot ng "Yes, of course!"

Nagmistulang double celebration din ito dahil ipinagdiwang din ni Wilma ang kanyang kaarawan ngayong Sabado.

Sa caption, pinapaalalahanan ni doesnt ang mga kababaihan sa halaga ng pasensya sa pag-ibig at sa hindi masyadong pagsasaalang-alang sa mga pagkakamali mula sa nakaraan.

“The best birthday gift ever!!!!happy birthday to me!!yahoooo but seriously,to all the woman [sic] out there never give up on love. Your past doesn't define you nor your mistakes in life.i called it process,” ani Doesnt.

“Trusts the process kasi may mas magandang naghihintay sayo. Patience is a virtue..but for patience is a waiting.learn to wait..your time will come no matter what it will happen.never loose yourself its because you made mistakes.,” dagdag pa niya.

Si Wilma ay may 3 mga anak mula sa kanyang dating mga relasyon, Asiana, Emilia, at Araion.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form