‘Mas pinalaking Cine Cinco’: Star Cinemas movies, eere na sa TV5; tagalog movies bibida


Hindi lang tagalized movie ang dapat mong abangan tuwing hapon, dahil mapapanood na rin ang mga tagalog movies mula sa mga produksyon ng Star Cinema, Regal Films, Viva Films at syempre hindi parin mawawala ang Lifetime Movies.

Buena mano ngayong Lunes, July 12 ang pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ‘She's Dating The Gangster’. 

Ang pelikula ay tungkol kay Athena Dizon, isang 17 years old na estudyante na gustong paglaruan ang resident heartthrob ng campus na si Kenji delos Reyes. Sa isang iglap, maiipit sya sa isang sitwasyon na kung saan magpapanggap itong girlfriend ni delos Reyes na kung saan sa dulo ay mahuhulog din ang loob nito para sa kanya.

Ngayong Martes naman July 13, matutunghayan ang kwento ng isang masayang pakikipag-ugnayan, na naging takot kapag nag-alala ang isang guro sa kanyang fiance ay maaaring maling ama sa kanyang anak sa Lifetime Original Movies, The Wrong Stepmother.

Sa Miyerkules naman, ang Gangland isang action gangster noong 1998 na idinidirek nina Peque Gallaga at Lore Reyes. Pinagbibidahan nina Ryan Eigenmann, Jason Salcedo, Junell Hernando at Justin Simoy.

Sa darating naman Huwebes naman ang pelikulang Baby Love, sa pelikula, taimtim na iniisip nina Andie at Ira na lubos silang nagmamahalan at handang harapin ang mundo. Tinangka nilang itali ang buhol at bumuo ng kanilang sariling buhay. Nagulat ang kanilang mga magulang sa pag-uugali ng kanilang mga anak hanggang sa mapagtanto ang kanilang mga pagkukulang na humantong sa mga bata na tumakas mula sa kanilang boarding school. Pinagbibidahan ito nina Edu Manzano at Anna Larrucea.

At last but not the least ang pelikulang Four Sisters in a Weeding, ito ay tungkol sa tatlong magkakapatid na babae na muling nagkakasama upang maiwaksi ang kanilang nakababatang kapatid na ikasal sa kanyang fiancee. Habang nakikipag-ugnayan sila, nahaharap nila ang mga damdamin at isyung matagal nilang nabaon. 

Tampok sa pelikula ang pinakatanyag na mga batang aktres ng Star Cinema: Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin at Shaina Magdayao, habang tinangka ng apat na magkakapatid na pigilan ang kasal ng kanilang nakababatang kapatid na ginampanan ni Enchong Dee.


Mapapanood lahat ng 'yan tuwing Hapon, 2:45PM sa Cine Cinco ng TV5! Oh, diba, IBA sa 5! – (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form