Hannah Arnold ng Masbate kinoronahan bilang Bb. Pilipinas International 2021


Mula sa Masbate na si Hannah Arnold ang tinaguriang Binibing Pilipinas International sa katatapos lang na grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2021 ngayong gabi, July 11, 2021, sa Araneta Coliseum.

33 kanditata ang kanyang tinalo mula sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas.

Narito ang apat na beauty queens na pinarangalan sa grand coronation night ng pageant:

Binibining Pilipinas International: Hannah Arnold (Masbate)

Binibining Grand International: Samantha Alexandra Panlilio (Cavite)

Binibining Pilipinas Intercontinental: Cinderella Faye Obenita (Cagayan de Oro - Misamis Oriental)

Binibining Pilipinas Globe: Maureen Montagne (Batangas)

Samantala, mula naman sa pambato ng  Eastern Samar na si Gabrielle Basiano ang itinanghal na 1st runner up, habang second runner-up naman si Meiji Cruz mula Valenzuela.

Narito naman ang mga nakakuha ng second set ng special awards:

Miss Cream Silk: Maureen Montagne (Batangas)

Best in Swimsuit: Meiji Cruz (Valenzuela City)

Best in Evening Gown: Gabrielle Camille Basiano (Eastern Samar)

Bb. Araneta City: Maria Francesca Taruc (Angeles City)

Rumampa ang Top 13 ng Binibining Pilipinas 2021 suot ang kanilang hot orange swim wear sa swimsuit round ng pageant. 

Kasabay ng pantimpalak halos sinakop na nito ang twitter sa #1 trending ang #BinibingPilipinas2021, habang nag-trending naman sa #2 si Tito Boy matapos ang naging katanungan nito kay Miss Iloilo na, “when is it okay not to be okay and when is it not okay to be not okay?”.

Nag-trending naman si Catriona Gray, dahil sa naging pagkakamali nito, imbes na kasi Valenzuela, eh Venezuela ang nabanggit nito. 

Nangyari ang blooper habang ina-announce ni Catriona ang Top 13 semi-finalists ng Binibining Pilipinas 2021.

Isa sa mga nakapasok sa Top 13 ay si Meiji Cruz na mula sa Valenzuela City.

Maraming netizens ang nakapansin sa blooper ni Catriona kaya naman naging trending topic sa Philippines ang "Venezuela" at "Catriona."

Ang Binibining Pilipinas ngayong taon ay nai-postpone nang maraming beses dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Ang edisyon ng 2020 Binibining Pilipinas ay orihinal na itinakda noong Mayo 31 ng nakaraang taon, dahil nga sa pandemyang bwisit na Covid-19 ay na-postponed ito. -(Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form