Coco at Julia, may planong mag-camping?


Julia Montes at Coco Martin, muling nakita na magkasama.

Noong July 2 sila ay pumasyal sa isang specialty store ng mga gamit sa camping and outdoor activities.

Saka walang nabanggit na nag-shopping sila, ‘visited’ lang ang nasa caption nito.

Colored ang gamit na face shield ni Julia habang naka-full black mask si Coco.

‘Yung face shield ay familiar dahil parang ito ‘yung suot din ni Coco nang magpa-vaccine siya na kahit may suot na ganung dark face shield, nakilala pa rin sila.

Though hindi sila nagtago dahil posted nga sa Facebook ng nasabing store, pero hindi mo pa rin sila basta-basta makikilala.

Consis­tent and common knowledge sa showbiz na sila ang magkarelasyon. At diumano’y meron na silang anak. Pero walang confirmation na nanggagaling sa kanila.

Pero recently lang ay umamin si Julia na in love siya. At handa raw siyang pakasal dito.

Gusto raw lang nilang sarilihin kung anumang meron sila.

“Yung taong involved, ako, ‘yun lang ‘yung importante, ’yun lang ‘yung nagma-matter. Walang opinions ng ibang tao kasi hindi naman natin lahat mape-please. And that’s my point of view na parang ‘wag na natin stress-in ‘yung sarili natin sa labas. Ito ‘yung atin so let’s just be happy and enjoy,” aniya sa interview ng Mega Entertainment sa tanong kung bakit kailangan nilang ilihim ang tungkol dito. (Salve V. Asis, Pang-Masa)


Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form