Kris Bernal, naloko ng fake booking; dumulog sa NBI


Nagpasaklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) anti-cybercrime division sa Quezon City ang aktres na si Kris Bernal dahilan sa umano’y harrassment na nararanasan dahil sa sunud-sunod na panloloko sa kanya hinggil sa mga ipinadadalang pagkain sa kanyang bahay sa nakalipas na dalawang araw.

Binigyang diin ni Bernal na may dalawang araw nang may dumarating na order ng pagkain sa kanyang bahay sa Quezon City mula sa ibat- ibang restaurant na umaabot na sa P20,000.00 ang halaga.

Anya nagreklamo na siya sa NBI dahil ayaw niyang sapitin din ng iba ang kanyang karanasan sa mga dinadalang pagkain sa kanyang bahay na hindi naman niya inoorder at tuloy turuan ng leksyon ang suspek na ayaw niya munang pangalanan.

Sa kanyang panig, sinabi ni NBI Anti Crime Division Chief Victor Lorenzo na akala ng iba ay biro lamang at simple ang ganitong kaso pero maaaring maharap ang suspek sa kasong identity theft , estafa at paglabag sa Anti Cybercrime Law.

Sinasabing ang suspek ay siya rin umanong nambiktima sa aktress na si Angelika dela Cruz noong June 16 at sa sex bomb dancers noong nakalipas na taon sa ganitong istilo ng modus.

Ayon kay Lorenzo agad bubusisiin ang naisampang reklamo ni Bernal at maaari rin umanong maging complainant dito ang Grab Philippines dahil ang Grab delivery umano ang gamit ng suspek sa panloloko.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form