D' Force Unlimited wagi sa RTIA Dance Challenge Finals; Raffy Tulfo humiling na i-extend ang oras ng programa


Itinanghal na grand winner ang grupong D' Force Unlimited mula sa San Joaquin, Iloilo sa katatapos lang na RTIA Dance Challenge Finals.

Ang nasabing grand winner ay makakatanggap ng 100,000 pesos plus trophy. Naks, may pa-trophy.

Samantala, 5th place ang Extreme Dadz na makatanggap ng 20,000 pesos, 4th place ang Olarte Family na makakatanggap ng 25,000 pesos, 3rd place naman ang KY7YM na makakatanggap ng 30,000 pesos at 2nd place ang All Star Fam na makakatanggap naman ng 50,000 pesos.

RAFFY TULFO, HUMILING NA I-EXTEND ANG ORAS NG “IDOL IN ACTION”

Nakikiusap si Idol Raffy Tulfo na i-extend ang oras ng kanyang morning public service program na “Idol in Action”.

Nag-ugat 'yan sa napakaraming ads na pumapasok sa programa, dahilan upang mag-overtime.

“Baka pwedeng haba-habaan 'yung oras natin, extend siguro,” pakiusap ni Tulfo.

“Hindi pwede syempre mag-ot kasi may ibang show, baka before ma-extend tayo. 'Yan ay pakiusap lamang kung puwede,” dagdag ni Tulfo.

Sa episode ng nasabing programa noong Martes, Hulyo 27 nag-overtime ito dahil sa grand finals ng RTIA Dance Challenge, kung saan nag-perform virtually ang mga finalists nito.

Sa dami ng nag-perform na umaabot sa lima hindi na sumakto sa tamang oras ang programa, na-cut ang Idol in Action sa TV5 pero pinagpatuloy naman ito sa One PH.

Nagpasalamat naman si Tulfo sa mga advertisers sa patuloy na bumubuhos na suporta.

Mapapanood ang Idol in Action sa TV5 at One PH. Mapapakinggan rin sa Radyo5 92.3 News FM. Jerwin Quitaneg/Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form