Dalawang laro ng PBA ngayong Miyerkules, ipinagliban


Ipinagliban muna ang dalawang laro ng PBA bukas, Miyerkules.

Inihayag ng pamunuan ng PBA na suspendido muna ang laro sa pagitan ng Terrfirma Dyip kontra Alaska at TNT kontra Magnolia.

Ayon sa liga, apat sa manlalaro ng TNT Tropang Giga ang sinabing nagpositibo sa COVID-19. Bilang pagsunod sa protokol ng liga, kailangan muna silang i-isolate at muling sumailalim sa COVID-19 testing.

Negatibo naman sa COVID-19 test ang mga manlalaro ng Terrafirma Dyip ngunit kailangan pa ring sumailalim sa isolation matapos makalaro ang mga manlalaro ng TNT.

Gayunman, tuloy parin ang bakbakan bukas, Miyerkules sa pagitan naman ng Phoenix Super LPG Fuel Masters at NorthPort Batang Pier alas-tres ng hapon live sa TV5 at PBA Rush.

Samantala, sa gabi naman ang tapatang Alaska Aces at Magnolia Pambansang Manok Hotshot, 6 p.m live sa TV5 at PBA Rush.

Ire-iskedyul ang mga nasabing ipinaglibang laro.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form