Mas masaya at mas kaabang-abang na ‘Sing Galing’, dapat abangan!


Mas magiging kaabang-abang lalo ang mga gabi ng bawat Pilipino sa panonood ng primetime singing comedy game show na "Sing Galing".

Sa presscon ng programa, binanggit ni Zendee Tenerife, host ng online show ng Sing Galing na Now Zending kung gaano kahirap gawin ang programa sa gitna ng pandemya, lalo na't sa katulad nya na isang COVID-19 survivor.

"I had COVID during the first week of Sing Galing, I got over that even if I was having a hard time to host and sing. Nobody noticed and now I'm better. I'm really looking forward to talk and sing for fans online, my journey with Sing Galing has been very good so far and I can't wait to see more people join the show, and perhaps soon, to get and see the hosts of the show since we're still under quarantine", saad ni Zendee.

Samantala, di naman naiwasan ng OPM icon na si Rey Valera na ikumpara kung ano ang pagkakaiba ng Sing Galing at ng Tawag ng Tanghalan, ang segment ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime kung saan sya ang naging Punong Hurado sa loob ng 5 taon.

"There are two things that I can say this is different form my other shows. This is light, and there's a random factor. You may be good at singing but if you don't know the song, you'll probably lose because of the choices the randomizer makes", saad ng OPM icon.

Mas lalong nakaka-excite ang magaganap sa Sing Galing simula bukas, kung saan mapapanood sa programa ang Lunch Out Loud host na si Bayani Agbayani, at ang pagbabalik ng original Sing Master na si Allan K.

Isa ang Sing Galing sa top-rating shows ng TV5, kung saan naglalaro sa 2-3% ang ratings ng programa, ayon sa AGB Nielsen Ratings.

Napapanood ang Sing Galing tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 6:30PM pagkatapos ng Frontline Pilipinas sa Todomax Primetime Singko ng TV5.

Ang catch-up episodes naman ng Sing Galing ay available sa Cignal Play App, samantalang ang replay episodes naman ay napapanood sa Colours mula Lunes-Biyernes, 8PM.

Ang Now Zending naman ay napapanood mula Lunes-Biyernes, 6PM sa official Facebook and YouTube accounts ng Sing Galing at TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form