Milwaukee Bucks, nabingwit ang kampeonato sa 2021 NBA Finals


Matapos ang 50 taon, nakalasap muli ng tagumpay ang Milwaukee Bucks makaraang talunin ang Phoenix Suns at hirangin bilang NBA World Champions.

Sa iskor na 105-98 tinapos ng Bucks ang finals series sa game 6 kontra Suns at nagtapos ang serye sa 4-2.

First quarter pa lamang ay hindi na hinayaan ng Bucks na makalamang ang kalaban.

Huling nagkampeon ang Bucks noon pang 1971 sa panahon ng basketball legend na si Kareem Abdul-Jabbar at Oscar Robertson.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form