‘FPJ's Ang Probinsyano’, bakit nga ba patuloy na nae-extend?

Bakit nga ba patuloy na nakakakuha ng extension ang ABS-CBN primetime teleserye na FPJ's Ang Probinsyano?

Sa loob ng halos 6 na taon sa ere ay hindi na mabilang kung ilang extension na ba ang nakukuha ng teleserye na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Para sa isa sa cast ng programa na si Shaina Magdayao, ang kanilang motibasyon na ipagpatuloy ang programa sa gitna ng pandemya ang isa sa dahilan kung bakit patuloy sa pag-ere ang programa.

“Until now, I guess that’s why nai-extend nang nai-extend, because that’s our drive now. That’s our motivation now, more than ever. It’s not self-serving, kumbaga. Team effort siya talaga,” saad ni Magdayao.

Si Shaina ay unang lumabas sa teleserye noong February 2020 bilang si Police Major Roxanne Opeña, na na-destino sa Task Force Agila upang tulungan sila Cardo Dalisay (Coco Martin) sa mga mission nito. 

Unang sumahimpapawid noong September 28, 2015, naging household name na si "Cardo Dalisay". Patunay dyan ang consistent na pagiging #1 nito sa primetime, hanggang sa nawala sa ere ang mother network nito na ABS-CBN noong Mayo 2020.

Ang FPJ's Ang Probinsyano ay halaw sa 1997 classic movie ni Fernando Poe, Jr. na tungkol kay P/Lt. Kardo de Leon, at sa kung paano nya ipaghihiganti ang kanyang kapatid na si P/Cpt. Ador de Leon na napatay sa isang drug bust operation.

Nasundan pa ito ng sequel na "Ang Pagbabalik ng Probinsyano" noong 1998 kung saan ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ ang gumanap pa rin sa titular role. 

Sa kasalukuyan, napapanood ang FPJAP mula Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa Todomax Primetime Singko ng TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Available naman ang advance at past episodes nito sa IWant TFC at WeTV IFlix.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form