Grupong Gandara, lamang na sa PoPinoy


Wow, parang may nanalo na sa PoPinoy.

Ang galing ng grupong Gandara bukod pa sa mukhang mga fresh ang awra nila.

Saka laging trending ang performance nila sa nasabing talent search sa TV5 ng TNT. Bukod sa ang gagandara nila (ang gaganda), ang gagaling din nilang sumayaw. At kumakanta pa. Kaya naman sa all access ng PopPinoy na hino-host nina Paolo Ballesteros and Maine Mendoza sila ang madalas na nagpi-feature.

At in all fairness, super talaga ang mga papuri sa kanila ng judges kabilang na si Direk Mike Tuvierra.

Pati nga makeup nila at outfit, napupuri. Kung sabagay si Bambbi Fuentes ang make-up artist nila at isa rin siya sa tumutulong sa grupo.

Bring it on, Gandara. 

Mapapanood ang PoPinoy tuwing Linggo 7:00 p.m sa TV5 at 8:30 p.m naman sa Colours Cignal TV CH 202 HD at 60 SD. 

- via Pilipino Star Ngayon

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form