'Stay In Love,' trending sa muling pagbabalik


Muling umingay ang “Stay In Love” sa muling pagbabalik nito.

Nitong Sabado, Hulyo 3 sa muling pagbabalik ng “Stay In Love” na pinagbibidahan nina Maris Racal at Kokoy De Santos ay nag trending muli ito sa twitter kung saan sumampa sa 11th spoth.


Marami ang natuwa sa pagbabalik telebisyon ni 'Diding' (Maris Racal) bukod dito, marami rin naman ang sumisigaw at humihiling sa season 2 ng nasabing teleserye.

Ang Stay-In Love nai-broadcast sa TV5 noong 2020 sa direksyon ni Rod Marmol, pinagbibidahan ito nina Maris Racal at Kokoy de Santos. Nag-premiere ito noong Nobyembre 24, 2020 sa Primetime Todo evening block ng network.

Ito ay tungkol kay Diding (Maris Racal) na nag-apply ng Maid sa isang mayaman at "Sosyal" pamilya kung saan nakilala niya si Mon (Kokoy de Santos).

Mapapanood ang re-run ng Stay In Love tuwing Sabado, alas-tres ng hapon sa TV5. 

Samantala, ang Maria Mercedes ang extended naman haggang Sabado, tuwing 2 p.m.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form