Yassi at NBA star Damian Lillard, nagkita na matapos ang donasyon nito sa PGH

Matapos ang donasyon nito para sa Philippine General Hospital, nagkita na ng personal ang NBA star na si Damian Lillard at aktres na si Yassi Pressman sa Los Angeles, California sa Amerika. 

Sa kaniyang social media accounts, inilabas ni Pressman nitong Sabado ang larawan kasama si Lillard na matagal na niyang nais makita. 

“It's about DAM(E) TIME we see each other in person,” pabirong saad ni Yassi sa caption.

Nagpasalamat ang Pinay na aktres dahil nakipagkita ang sikat na basketbolista sa kaniya at sa naging tulong nito nang masunog ang bahagi ng PGH noong Mayo 16. 

“But seriously tho, I wanna say thank you to this big guy for spending time today, for helping me out during my reachout in the PH when the Philippine General Hospital caught fire, & just for being the kind-hearted person that he is,” dagdag pa ni Pressman. 

Humanga din si Yassi sa pagiging mapagkumbaba ni Lillard kaya naman ito umano ang kaniyang pinaka paboritong manlalaro. 

“You are truly a gem. So down to earth. My most favorite player. Can't wait to see you again soon!”

Viral na ngayon ang larawan nina Pressman at Lillard sa social media na pumalo na sa higit 102,000 reactions at 26,000 shares habang isinusulat ang balitang ito. 

Nauna nang ikinabigla ng marami ang naging post ni Pressman noong Mayo nang pasalamatan nito si Lillard sa ipinaabot na donasyon. 

"Also, huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help," pahayag ng aktres na nakilala bilang bahagi ng "Ang Probinsyano." 

Hindi binanggit sa Instagram post ni Pressman kung magkano ang idinonate ni Lillard, na dalawang beses nang bumisita sa Pilipinas — una bilang bahagi ng "The Last Home Stand" charity basketball event noong 2014 at pangalawa sa isang promo tour ng kaniyang sneaker sponsor noong 2016. 

Mapapanood si Yassi Pressman sa “Rolling In It Philippines” tuwing Sabado, 7 p.m sa Todo Max Weekend ng TV5. (via ABS-CBN News)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form