Willie Marcial, makikipagtagpo sa IATF para sa pagbubukas ng bagong season ng PBA


Nakatakdang makipagtagpo si PBA Commissioner Willie Marcial sa Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong linggo, kung saan inaasahan niyang makuha ang sagot para sa liga upang masimulan na ang 46th season nito.

"Wednesday or Thursday, magpi-present (ako). Ipe-present ko 'yung sa ating opening. Makikita nila na successful 'yung bubble natin na ginamit ng FIBA na blueprint. Two, 'yung ating scrimmages, maganda ang tinatakbo for two months," ani Marcial.

Bukod dito, 95 porsyento ng PBA ang mababakunahan laban sa COVID-19 sa darating na linggo, sinabi din ng komisyoner.

Ipapaliwanag din niya ang kanilang mga mas mahigpit na mga protocol sa IATF, kabilang ang mas madalas na testing sa sandaling buksan nila ang bagong season.

"Sa halip na 14 days, every 10 days na ang ating testing pag nagsimula. And, 'yun nga, before our opening, may testing na naman tayo three days before," wika ni Marcial.

Umaasa si Marcial na bibigyan sila ng pahintulot na simulan ang kumperensya sa loob ng isang buwan.

"(Target) pa rin natin to start the season this July," 

"'Wag lang magtataas ang (cases) ng delta variant, 'yan ang sinabi sa akin eh. Kaya kailangan pa rin mag-ingat lahat. 'Yan ang problema natin eh," dagdag pa nito. "'Pag nagtaas ang ating pandemya, pati ekonomiya natin, baka magsara, 'di ba?"

Kung bibigyan ng go-signal ng IATF, plano ng PBA na magsagawa ng mga laro sa Ynares Center sa Antipolo City at sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Nakipag-usap na si Marcial kay dating Antipolo Mayor Jun Ynares, at balak na magbigay ng courtesy call kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Nakipagtagpo si Marcial noong Linggo kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa punong tanggapan ng ahensya sa Makati City, upang humingi ng karagdagang patnubay sa mga patakaran at regulasyon ng IATF tungkol sa contact sports.

Ang MMDA at ang PBA ay gagana sa ilang mga aksyon na isasagawa, na tatanggapin ng IATF.

"We have to ensure the safety of everyone, not only the players, but the general viewing public. We cannot compromise the health and well-being of all," ayon kay Abalos, sa inilabas na pahayag ng PBA. (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form