Ilang programa ng TV5 noong 2019-2020, nominado sa 34th PMPC Star Awards for TV


Nominado sa 34th PMPC Star Awards for Television ang ilang programa ng TV5 noong 2019-2020.

Nominado bilang Best News Program ang Aksyon, samantalang si Ms. Luchi Cruz-Valdes naman ang nominado bilang Best Female Newscaster.

Nawala sa ere ang Aksyon noong March 16, 2020 kasabay ng pagputok ng COVID-19 pandemic at upang magbigay daan sa special coverage ng One News Now sa Luzon-wide lockdown dahil sa pandemic, hanggang sa permanente na itong pinalitan ng Frontline Pilipinas.

Kabilang rin sa mga nominado ang Healing Galing bilang Best Public Service Program, na ngayon ay kasalukuyang umeere sa UNTV News and Rescue. Gayundin, nomido si Dr. Edinel Calvario bilang Best Public Service Program host sa nasabing programa.

Samantala, nominado naman ang Kapatid Network bilang Best TV Station.


Ang awarding ceremonies naman ay ihahayag na lang sa mga susunod na araw o buwan.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form