Raffy Tulfo, nanindigang hindi tatakbong senador

Nanindigan ang veteran Kapatid journalist na si "Idol" Raffy Tulfo na hindi ito tatakbong Senador sa 2022 National and Local Elections.

Ayon kasi sa artikulo ng One News, isa si Tulfo sa pinagpipilian ng ruling party na PDP-Laban na maging isa sa Senatorial candidates nito, kasama diumano rin dito ang mga TV host at naging Kapatid din na sina Willie Revillame at Robin Padilla.

Ayon sa panayam ng News5 kay Idol, pinagdiinan nito na wala syang planong lumahok sa Senatorial Race, kahit na nasa #3-6 place ang kanyang pangalan sa Senatorial survey ng Pulse Asia.

Matatandaang noong January, sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update, ni-reveal ng manager ni Idol na si Ogie Diaz na maliban sa pagka-Senador, kinukumbinse din daw si Idol na tumakbong Mayor ng Quezon City at maski daw sa pagka-Vice President ng Pilipinas.

Sa ngayon, busy si Idol sa 3 programa nito sa Kapatid Network.

Napapanood sya mula Lunes hanggang Biyernes sa Idol in Action tuwing 10:30AM sa TV5 at One PH, at Frontline Pilipinas sa TV5 at One PH. Mapapakinggan din sa Radyo5 92.3 News FM.

Sabayan ding napapanood at napapakinggan si Idol sa Wanted sa Radyo sa Radyo5 92.3 News FM at One PH. 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form